It's Time To Change The Way You Invest!

0 Comments

August 15, 2022

May online broker ka na ba?

Alam mo, marami na din akong na experience sa online stock brokers.

Alam mo yung feeling na para kang naghahanap ng da one?

Ang first online stock broker account ko is COL Financial. Naalala ko 5,000 pa ang minimum amount to activate the account.

Ok naman ako sa COL Financial pero noong 2021 nag-cool off muna kami.

Lumipat ako kay FirstmetroSec pero iniwan ko din siya.

Ito kasi nangyari.

Two years ago, I was trying to learn day trading since madami akong time kapag open ang market. All was going well dun sa bagong trading strategy na tinetest ko, until ...........

...........

Oo ganyan mismo ........

 ... Kruuu Kruuuu ......

Tama ka nag-lag ung COL ....

Mag bebenta dapat ako ng stock na kumita ng limpak limpak na salapi (hahaha OA, sapat lang naman).

Sabay Piranha!! 

Alam mo yung piranha? Yung pera na naging bato pa.

Pinatawad ko pa siya, nag-sorry naman kasi sa email. Sabi nila “the extremely high transactions... challenged our system.”

Ok sige pero not once, but twice. Nung mga sumunod na araw ay parang deja vu.

We apologize and seek your patience as we run through our solutions and we will keep you updated on our efforts.”


Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me.

Kaya naisip ko, lipat muna ako sa FirstMetroSec since may account naman ako sa Metrobank.

Kaso ang nangyari, madalas na nagkakaron ng "unable to connect to server" yung FirstMetroSec Go App.

Nag-try ako mag-upgrade to FirstMetroSec Pro. Baka sakaling hindi na ako makaranas ng ganito.

First attempt, nag-send ako ng email. Mga 3x follow up wala pa rin reply.

Second attempt, I called customer service, choopy yung line tapos yung kausap ko hindi niya alam sagot sa mga tanong ko.

Third attempt, mag-pm sa FB page nila. Alam mo na siguro ang next na nangyari.

Oh well, papel. Hanap kaya ako iba pang broker. Research dito. Research doon.

Then I met 2Trade Asia. *heart heart.❤️ 

Siya ang bago kong love. 2TradeAsia Prime na dating 200k minimum deposit ay 25k na lang.

Yung issue ko ng lag? So far wala.

Yung issue ko ng customer service? Super bilis reply email, FB messenger and landline. May award to na best in reply award HAHAHA

Sana hindi kami magbreak. Sana ito na 'to hahaha. ❤️

(not sponsored pero 2Trade bekenemen)


In summary, allow me to review the 3 online brokers based on personal experience.


COL Financial is best for beginners

✔ Madaling intindihin ung user interface kahit 1st time investor ka

✔Starter account: 1k lang starting capital. 

✔Easy funding via mobile banking, overseas remittance, Gcash, Maya

✔ May 7-day trial

✔May EIP or Easy Investment Program kung saan investors can choose any expert recommended stocks and invest in periods for the long term.

✔Also a publicly listed company. Ok kung gusto mo bumili ng shares of their company.


❌ Di ko masyadong bet yung user interface ng mobile app. Estetik reasons lang naman.

❌Great for investors, ekis for traders. Coming from experience na nakaranas ng madalas na lag at glitch. Hindi pang mabilisang trading.

❌No issue kung long term investor ka naman. Nandito stocks ko na pang-long term.


First Metro Securities is best for on-the-go

✔Mabilis magtransfer ng fund from Firstmetrosec to my Metrobank account. Realtime nga eh!

✔ Maganda ang user interface at mabilis yung mobile app.

✔ No initial minimum fund to open an account. Transfer ka lang kung magkano ang gusto mo from your Metrobank savings account to your FirstMetroSec account.

✔ Maraming free training. Parang weekly meron tapos iba't ibang topic.


❌ I didn't like my customer service experience. 

❌ Gusto ko lang naman mag-upgrade to FMSEC Pro pero inalat yata ako sa kausap. Tried to call, email, FB page pero di kami magkaintindihan. Sad yon. 



2Trade Asia is best in reply

✔ Yung minimum fund to open an account is 25k na, dati kasi 200k.

✔ Mabilis ang platform pang trading. Maraming keyboard shortcuts.

✔ Hindi pa nakaexperience ng lag o glitch so far. Sana all.

✔ Ang bilis sumagot ng customer service. I tried call, email tska FB msg. Best in reply award.


❌ Inabot ako ng 3 weeks yung application ko bago ma-activate yung account and get approved. Lumipat yata sa kanila ung traders nung sunod sunod na araw nag yung ibang online brokers. Napasabay siguro ako sa bulk request. Hula ko lang naman. 


Disclaimer na based to sa experience ko. Kung hindi ganito ang nangyari sa'yo congratulations, sana all. I also cannot say kung ok ba yung ibang broker kasi hindi ko naman na-experience. Pero sana makatulong kung hanggang ngayon nag-iisip ka pa anong broker pipiliin mo or if nagsisimula ka ng magkaissue sa current broker mo at balak mo na lumipat. 

All the best,

~C

Cristina Orlina

The stock market is the greatest equalizer of wealth. 

That's why I'm so passionate about helping young Filipino professionals learn how to invest and take advantage of all the opportunities found in our own market.


I'm serving you a freshly squeezed, straightforward, sleaze-free approach to building your portfolio using proven strategies built to last. 

No superpowers needed!

So, what are you WAITING for!? Let's do this!

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tired of figuring out stock market investing on your own?

>