It's Time To Change The Way You Invest!

0 Comments

May 19, 2019

Takot ka na ba sa ng text o private message na “kumusta?”

May kilala ka bang bumabait kapag nangungutang pero napakahirap singilin kapag bayaran na? Sila pa galit o nangangakong bukas na lang?

TANONG: Nautangan ka na ba minsan at hindi nabayaran? 

Madaming beses na that some friends and officemates attempted to borrow money from me and my answer is always “No. I’m sorry.” 

I’d rather give money kung meron akong extra kaysa magka-utang sila sakin. 

Naniniwala ako on what the Bible says about master and slave relationship. That the borrower is a slave to the lender. 

Kaya maraming friendship ang nasira dahil sa utang.

I treasure my friendship and relationship.
Seriously, walang katapat na pera ang pagkakaibigan.

Pero paano mo nga ba sisingilin ang taong may utang sa iyo ng hassle free?


1. Magpalibre o Manlibre.

Yayain mong kumain. Kapag bayaran may dalawang options ka. 

Una: Umarteng nakalimutan ang wallet at siya na ang magbayad ng kinain niyo - ibawas na lang dun sa utang sayo.

Pangalawa: Ilibre siya at sabihing "Ililibre na kita at tska ibawas mo dun sa utang mo sakin" Sabay alis.


2. Kumustahin siya.

Tandaan kung para saan ang dahilan ng pag-utang niya ng pera at kumustahin ito.

Halimbawa: Nangutang siya para sa pusa niyang manganganak na at kailangan i-caesarean. Tanungin kung nanganak na si Muning o nakalabas na ng ospital. Kung ok na si Muning, i-remind na kung pwede na siya magbayad ng utang sayo. Kung hindi pa, itanong kung kailan (siguraduhin may date). 

Be mabait naman. Baka mamaya namatay na pala si Muning.


3. Utangan mo din.

Ipaalam sa kanya na buntis ang pusa mo at first time manganganak tapos caesarean section. Sana maawa siya. Kung hindi, ipaalala kung paano siya nagmakaawa sayo noong siya ang nangungutang at ipaintindi na ikaw naman ngayon ang nangangailangan. 


4. Timing is everything.

Know their payday. I-text mo. I-facebook mo. Puntahan mo. Singilin mo.

Kung officemate mo naman siya - samahan mo magwithdraw.


5. Make them work for you.

Kung may business ka, make them work for you. Data entry or manual labor. People don't like to work for loan. Tipid ka pa sa resources. No need to hire.


Kung hopeless ka na talaga, isipin mo na lang nakatulong ka. Dahil na rin sa pagmamahal sa kaibigan o kapamilya. Pagpapalain ka naman ng Diyos. Blessed ka kasi nakatulong ka. 

Maging wise na lang next time na may papautangin ka.

Cristina Orlina

The stock market is the greatest equalizer of wealth. 

That's why I'm so passionate about helping young Filipino professionals learn how to invest and take advantage of all the opportunities found in our own market.


I'm serving you a freshly squeezed, straightforward, sleaze-free approach to building your portfolio using proven strategies built to last. 

No superpowers needed!

So, what are you WAITING for!? Let's do this!

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tired of figuring out stock market investing on your own?

>